Inang Kalikasan   Leave a comment

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.

Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.

Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.

Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. It will make a difference. Kumilos na tayo habang pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.

SHEILA MAE ESPEJA

 

Sa kasalukuyang panahon nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda noon ay iyon naman ang kinabaliktaran sa panahon natin ngayon sapagkat hindi natin napapangalagaan ng maayos. Kung ito lang ay natratrato ng tama e’di sana’y hindi natin nararanasan ang mga dilubyo at krisis na sinasagupa sa panahon natin ngayon. E’di sana’y walang mga sirang daan, sirang kalikasan at sirang kabuhayan tayong nararanasan ngayon!.  Sana ay habang may panahon pa at hindi pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan.  Sana ay hanggang maaga pa ay masolusyonan na ang problemang ito.

Wag na nating hintayin ang paghihiganti ng ating kalikasan na siguradong kikitil sa maraming buhay dito sa mundo. Sana’y huwag naming humantong sag anon!, wag naman sana !.

                                                                                                                                                                                        MARK ANGELO FRANCISCO

 

Madalas nating magamit ang salitang kalikasan tulad na lang pag tayo ay sinasamaan ng tiyan, nasasabi natin na “ako ay tinatawag ng kalikasan”.  Sa mga taong hindi kaagad makakaintindi ng ibig sabihin non ay aakalaing tao ang kalikasan. Pero hindi nila alam na ang kalikasan ay ang ating ginagalawan. Ang kalikasan ay madalas na nababalita sa atin dahil ito ay may mabuti at masamang naidudulot sa atin depende sa ating pangangalaga. Mararapat nating pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat itoy biyaya ng diyos. Huwag nating pabayaang masira ang ating kalikasan dahil ito ay ating yaman at maaaring magkaroon ng hindi tamang pagkabalanse sa atin na pwedeng magdulot ng panganib.

Sa panahon ngayon kitang- kita at damang- dama natin ang lupit ng kalikasan. Buhay ang sinisingil sa atin pag itoy gumanti. Bagyon,pagguho ng lupa,lindol at pabago bago ng klima ay ilan lamang bunga ng ating pagpapakabaya sa kalikasan. Tulad na lamang ng bagyong Ondoy, ang daming buhay at ari-arian ang nasira niya. Halos burahin ang Pilipinas sa mapa. Hanggang ngayon ay bakas na bakas pa rin ang kaniyang ginawa. Landslide na binabaon ng buhay ang tao,na para kang inilibing ng buhay. Pabago pabago ng klima na nagdudulot ng sakit hanggang sa mahantong sa kamatayan at nakakaapekto rin sa ting mga pananim na nagbubunga ng kakapusan ng pagkain hanggang sa magmahalan ang mga ito. Lindol na kumikitil ng buhay at ari arian. Sa makatuwid hindi biro pag nagalit ang kalikasan.

Dapat tayong kumilos upang maayos natin ang mga suliranin sa usaping kalikasan. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan at para na rin mabawasan ang init ng ating mundo o maiwasan ang “global warming”. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. At para rin hindi dumumi o mamatay ang yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan.

Pangalagaan natin ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga pangangailangan lalo’t higit ang hangin na ating inihihinga. Sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan mas mapapadali ang pagsagip sa ating inang kalikasan. Makakatulong rin ito sa mga susunod pang henerasyon, sana’y masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating minamahal na kapaligiran. At sa ganitong pamamaraan matutulungan din natin na magising mula sa matagal na pagkakahimlay ang ating bansang Pilipinas.

                                                                                                                                                                                             DARYLLE  SALVADOR 

 

Ang inang kalikasan ay dapat alagaan . Sa panahon ngayon an gating kalikasan ay nasisira na din dahil sa ating kagagawan. Ginagawa na ng karamihan na basurahan an gating paligid. Inaabuso ang mga kagubatan, pinuputol an gang mga puno. Sinusunog ang mga kagubatan. Ilan lang yan sa mga pang aabuso nating mga tao na nagiging dahilan ng pagkasira n gating inang kalikasan.

 Sa pagkasira ng ating kalikasan ay nakakaapekto din sa ating pamumuhay. May mga nawawalan ng ikabubuhay dahil sa sobrang pagbaha. Nagkakaroon ng mga landslide dahil sa pang aabuso ng mga tao sa kalikasan.

 Mahalaga ang ating kalikasan, dapat matuto tayong tumulong upan maalagaan ito. Marami tayong maitutulong kung gugustujin natin. Kahit simpleng bagay tulad ng pagtatabi mun ng maliit na basura. Maari din tayong magtanim ng mga puno upang makadagdag sa mga nagbibigay ng mga malinis na hangin. Dapat din nating ayusin ang pagtatapon ng mga basura, ihiwalay natin ang mga nabubulok at gawing pataba sa lupa at ang mga hindi nabubulok ay i-recycle.

 MARK ANGEL ROLDAN

 

Ang ating kalikasan ay unti unti ng nasisira dahil sa kagagwan na dinng bawat isa sa atin. Ang simpleng pagtatapon ng balat ng kendi kung saan ay malakin kasalanan na. Ang laganap na gawain ng mga negosyante na ipaputol ang mga puno at gawing mga torso. Ang pagkakaingin sa mga ubat.Ang pagsira sa mga bundok at pag ququarry ditto. Ang pagtatpon ng basura sa mga ilog at estero. Ito ay ilan lang sa mga kadahilanan kung bakit nasisira ang ating kalikasan.

Sa hindi natin pagpapahalaga sa ating kalikasan ay tayo din ang binabalikan ng tinatawag na karma. Ang pag baha, dahil sa sobrang pagputol sa maga puno wala ng sumisipsip ng mga sobrang tubig ulan. Nagbabara ang mga estero at di nakakadaloy ng maayos ang mga tubig sa ilog dahilsa ginawa na itong malaking basurahan ng mga tao. Nagkaroon ng mga landslide dahil sa pagququarry sa mga bundok. Ilan lang yan sa mga nagiging epekto ng pagkasira n gating kalikasan.

 Marami tayong magagawa upang alagaan ang ating kalikasan , iyon ay kung nanaisin natin. Ang pagtatanim ng mga puno kapalit ng mga pinutol nila. Ang mga simpleng basura ay pwede nating ilagay muna sa ating bulsa o bag kung walang makitang basurahan. Dapat din nating paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok. An mga nabubulok ay maaring gawing pataba ng lupa o fertilizer. Ang hindi naman nabubulok ay pwedeng i-recycle.

 Sa pag aalaga sa ating inang kalikasan ay may magagawa ang bawat isa sa atin pero mas maganda kung ang bawt isa ay magtutulon tulong. Magkaroon ng pagkaka isa at disiplina sa sarili. Alamin din dapat natin ang tama at mali sa bawat gagawin natin.

RHEENA JOYCE BASTERECHIA

 

Sa panahon ngayon malayong malayo na ang kapaligiran nten sa dating itsura nito. Marami nang nagbago dahil sa kagagawan ng tao, lalong lalo na ang epekto ng makabagong teknolohiya. Maraming naitulong ito lalo na sa madaling pamumuhay ng tao ngunit hindi natin namamalayan ay unti unti nitong pinapatay ang ating kalikasan tulad nalang ng sasakyan, napapadali ang transportasyon pero sinisira naman nito ang atmosphere dahil ang usok nito ay nakalalason sa hangin. Ilan lang yan sa mga epekto ng teknolohiya.

 Ngayon ay naglulungsad ang gobyerno ng mga paraan para mailigtas ang kapaligiran, hindi pa nga huli ang lahat para mailigtas ang inang kapaligiran. Ilan sa mga paraan ay ang pagbabawas ng plastik upang hindi na bumaha ng malala. Inilingsad ito sa mga grocery store na dapat twing miyerkules ay magdala ng sariling plastik bag. Sang ayon ako dito dahil mababawasan ang plastic waste na mabigat na dahilan kung bakit bumabaha. Gusto ko lng iparating sa blog na ito na dapat tayong magtulung tulungan at maki-cooperate sa gobyerno para maisalba pa ang natitirang ganda ng ating inang kalikasan.

 

 MICHAEL KEVIN LUSTRE

 

 

Kalikasan na kay linis at kay ganda yan ang pangarap nating nasilayan. Ngunit paano nating masisilayan kung patuloy tayong tumutulong masira ito? Hanggang salita nalang ba ang ating pagnanais na muling pagandahin at ibalik sa dati ang ating kalikasan? Sino ba ang dapat magsimula para sa pagbabago?

Sa ngayon paano mo masasabi na maganda ang ating kalikasan? Kung kalbo na ang mga kabundukan dahil sa pagtotroso, pagkakaingin,pagcoconvertsa commercial subdivision.Pagsira sa katubigan. Dahil sa paggamit ng dinamita sa karagatan, pagtatapon ng basura sa mga ilog. Ito ba ang maganda sa ating paningin. Paano na ang mga susunod na henerasyon, makikita pa ba nila ang magandang kalikasan o masisilayan na lang nila ang naghihingalong kalikasan? Sa patuloy nating pagbabaliwala sa ating kalikasan. Ano pa ang kakahinatnan ng paghihirap ng mga ninuno natin para ipreserba ang kalikasan para sa atin.

Ngayon, siguro napapasin na natin ang lupit ng kalikasan kitang kita siguro natin ang galit ng kalikasan. Pagsila ay gumanti maraming buhay ang sinisingil sa atin. Bagyo, landslide, lindol,at pabagu-bagong klima na nararanasan ng lahat ilan lang yan sa kayang gawin ng kalikasan. Siguro kaya nangyari ang mga ito ay dahil binbigayan na tayo ng babala ng kalikasan na tayong mga tao ang dapat pag-ingatan ng ating kalikasan.

Dapat sa panahon ngayon tayo ay kumilos na at simulan ang pagbabago para sa kalikasan. Huwag nating hayaang masira ang ating kalikasan upang makita pa natin ang ganda ng kalikasan. Kay gandang pagmasdan ang mga batang naliligo muli sa malinis na ilog, umaakyat sa mayayabong na puno. Kaya ngayon pa lang simulan na ang pagbabago.

 FRANZ JEROME de GUZMAN

 

Kalikasan, isang bagay na dapat nating ingatan at pagyamanin. Ngunit ano nga ba ang kalagayan ng ating kalikasan sa ngayon? Ikaw, ako tayo ano nga bang maaari nating gawin upang na makakatulong upang mapaganda ang ating inang kalikasan?

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa ating kapaligiran. Kung dati rati’y hilera ng mga puno ang kadalasan nating makikita, ngayon ay mga nagtataasang gusali at iba’t ibang uri ng sasakyan ang madalas nating makita na siya namang nglalabas ng mga waste product at iba’t ibang klase ng mga maruruming hangin. Pansin din ang pagiging marumi sa iba’t ibang sulok ng lugar dahil sa kaliwa’t kanang pagtatapon ng basura ng mga tao. Ito rin ang dahilan kung bakit ang bilis ng bumaha sa ilang lugar tuwing uulan. Kung dati rating malinis na simoy ng hangin ang ating nalalanghap, ngayon ay maruming hangin at itim na usok ang ating malalanghap. Ito rin ang dahilan kung bakit mabilis dumapo ang sakit sa mga tao.

Maaari naman tayong makagawa ng mga bagay bagay na makatutulong upang mapaganda at mapangalagaan ang ating kalikasan. Tulad na lamang ng tamang pagtapon ng basura sa tamang lugar o yong pagkaroon ng disiplina sa sarili. Maaari din tayong makiisa sa mga proyektong pangkalikasan o manguna sa mga ilang gawain kahit na ang simpleng pagsunod sa batas ay malaking tulong na din.

Higit sa lahat malaking tulong ang partisipasyon ng bawat isa. Marami pang paraan at hindi pa huli ang lahat para maisalba ang inang kalikasan.

ERWIN TIGLAO

 

Isa ko sa mga taong iyon. Anu nga ba silbi natin dito? Siguro tau dapat yung tagapag-alaga ng mundo ito. Diba? E bakit ganun? Sa halip na tayo ang mag-alaga ng n gating mundo, tayo pa mismo ang sumisira dito. Dahil sa tayo pa mismo ang sumisira dito, nagkakasakit ang ating mundo. Isa sa mga sakit na iyon ay ang “GLOBAL WARMING” o patuloy na pagtaas ng temperature ng mundo at nga pagkabutas ng ating “OZONE LAYER”. Ito ay sanhi ng paggamit ng ng mga kagamitang nay taglay na CFC katulad ng AIRCON o REFRIGERATOR. Pati na ang simpleng pagsusunog ng basura, paningarilyo at ang di mapigilang pamumutol ng puno sa ating mga kagubatan..

 Naalala nyo pa ba ang mga nagdaang bagyo nung nakaraan taon na ONDOY at PEPENG? Dalawa ito sa pinaka mapinsalang bagyong aking naranasan sa buong buhay ko. Libu-libong tao ang nawalan ng tirahan at kabuhayan, hecta-haktarayang mga lupain ang nasira. Kahit kami may kataasan na ang bahay ay d padin pinatawad ng bagyong iyon. Mahigit isang ilong kami na hirap sa paglilinis ng bahay at paglalaba ng mga damit dala ng mga putik ng rumaragasang baha na dumaan sa aming lugar.

 Napapansin ko lang, habang lumilipas ang panahon patuloy ang pagtaas ng tubig baha sa amin. Ang dating bahang hanggang bewang lang ay nagging hanggang balikat na. tuwing el nino ay sobraang init at tuwing la nina ay sobra naman masyado ang ulan. Dati rati ay july ang nag-uumpisa ang tag-ulan ngunit ngayon ay mayo palang ay dagsa na ang bagyo sa ating bansa. Tingin ko ay mas mahaba ang tag-ulan ngayon kesa sa tag-araw.

 Sa tingin ko ito ay mga senyales na nasisira na ang mundo. Walang nakakaalam kung kelan at kung saan ito mgasisimula. Aantayng pa ba natin ang panaahong iyon saka lang tao kikilos? Wag na sana natin itong antayin. Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat!!

 

                                                                                                    RHONEIL ABRINA

 

Ang Inang kalikasan ay isa sa pinakamahalaga at pinakamagandang biyaya ng Diyos. Ito ay ang mga nakikita natin sa ating kapaligiran tulad ng mga puno, halaman, lupa, katibigan, kabundukan at marami pang iba. Ngunit dahil sa mga maling paraan o gawain ito’y nasisira ng iba nating kababayan. Ang mga “illegal loggers” na nagpuputol ng mga punong kahoy na hindi pa dapat puputulin. Ang mga minero na nagmimina sa mga kabudukan na walang pahintulot at mga taong nagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan. Sila ang mga walang disiplina at patuloy n sumisira at umuubos sa ating inang kalikasan.

Sa makatuwid dahil sa kanilang gawain, maraming trahedya ang satin ay dumadating. Tulad ng mga pagbaha, landslide at lindol na ating dinadanas. Ang pinakamasaklap pa dito sa bawat trahedya na ating nararanasan maraming buhay ang nawawala at nasasakripisyo dahil sa mga taong pabaya at makasarili. Madami-dami na rin pagsubok an gating naranasan dahil sa kapabayaan sa inang kalikasan.

 Hahayaan pa ba nating mawala ang mga mahal natin sa buhay bago tayo magising sa katotohanan na mali an gating ginagawa. Maaaring hindi nga tayo gumagawa ng mali ngunit marami namang maliit na paraan upang tayo ay makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at kagandahan ng ating kalikasan.

DARYL MORANTE

 

 

  Ang ating kalikasan ay maraming nadudulot sa pang araw-araw nating pamumuhay.Hindi man natin napapansin ito pero pasalamat tayo at may kinakain tayong prutas at gulay na galing sa puno at nahahain sa ating  hapag kainan isa din sila sa pumipigil sa paggiba ng mga lupa na nagdudulot ng landslide,pagbibigay ng malinis na hangin na ating nalalanghap,nagbibigay sa atin ng papel upang meron tayong masulatan,pagbibigay ng matibay na pundasyon sa ating tahanan.

 Ngunit bakit meron paring mga tao na nagpuputol ng puno kahit na alam nila na bawal at makakadulot ng disgrasya sa kapwa nila at minsan pati sila ay nadidisgrasya.Siguro ay sa sobrang pagkagahaman nila sa pera o sa kayamanan ng ating kalikasan.Isipin ninyo dahil sa mga taong ito na walang takot sa pagputol ng mga puno nakakaapekto din ito sa ating mga hayop na dapat ay naninirahan ng maayos at may magandang tirahan pati tuloy sila ay naaapektuhan at humahantong sa pagkamatay nila.Kung nauubos na ang ating kalikasan pati ang hayop ay nawawala nadin.

 Kaya may mga organisasyon na pumipigil sa mga nangaabuso sa ating inang kalikasan tulad ng Philippine Federation for Environmental Concern (PFEC) para masugpo ang mga illegal logers. Mas maganda parin na dapat mismo tayong mga indibidwal na tao ay magkaroon ng pagmamalasakit sa ating kalikasan hihintayin paba natin na mawala sila at saka tayo kikilos diba.

 Pwede tayong tumulong sa pamamagitan ng pagtatanim at pagbabaon ng mga dumi ng manok na nagbibigay sa ating kalikasan ng pangpataba at pati ang ating mga basura na imbis sa kung saan-saan mo ito itapon ay ibaon mo nalang ito makaktulong pa sa ating kalikasan.Ang sarap pagmasdan ng isang lugar na sagana sa kalikasan kaya dapat nating ingatan at payabungin.ikaw paano mo pinahahalagahan ang ating inang kalikasan?Paano ka nakakatulong sa ating inang kalikasan bilang isang indibidwal na tao?.

ADRIAN BANTIGUE

 

 REFERENCES OF PICTURES:

http://hubpages.com/hub/PHILIPPINES-Top-10-Travel-Destinations–Tourist-Spots-and-Attractions

http://www.biodiversityhotspots.org/xp/hotspots/philippines/Pages/default.aspx

 

Posted October 14, 2010 by inangkalikasan113 in Uncategorized

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.